NAKAPAGTATAKA by Rachel Alejandrino

Walang tigil ang gulo
Sa aking pag-iisip
Mula ng tayo'y magpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagka't hindi tayo bagay
Nakapagtataka, oh.
 
Kung bakit ganito ang aking kapalaran
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam?
At bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka, nakapagtataka.
 
Hindi ka ba napapagod?
O di kaya'y nagsasawa?
Sa ating mga tampuhan
Walang hanggang katapusan
Napahid nating mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman.
 
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan?
Oh..
 
Walan tigil ang ulan at nasaan ka araw?
Napa'no nang pag-ibig sa isa't isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa?
Nakapagtataka, saan na napunta?
 
Hindi ka ba napapagod?
O di kaya'y nagsasawa?
Sa ating mga tampuhan
Walang hanggang katapusan
Napahid nating mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na, wala na kong maramdaman.
 
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan?
Oh..