HANGGANAN

Sa mga turok ng karayom sa aking mga ugat,
Sa mga hiwa ng patalim sa aking kalamnan,
Sa mga pagpapahinang ginawa ng gamot sa aking mga buto
Kalooban ko'y nanatiling matibay sa mga ito.

Ngunit ngayon, kaibigan, tila yata ako'y naduduwag!
Bakit tuwing ika'y daraan, dibdib ko'y nababagabag.
Anong klaseng kapangyarihan at lakas lihim mong angkin,
Bakit itong nadarama'y kayhirap kong supilin?

Ah, ayoko mang isipin, ngunit tila yata tutoo --
Tunay ngang may katapat lahat ang mga bagay sa mundo!
At ang bawat katangiang taglay ay mayroong din sukatan --
Ang tapang ng loob ko pala'y ikaw lang ang hangganana.

(February 1995)