Bituin sa langit
Iyong pansinin
Munting hiling ko
Ngayong gabing malalim.
Ako'y di makatulog.
Ewan kung bakit.
(Di kaya's sa akin
Mayroong lumalangit?)
Kaya't maaari bang
Ako'y iyong aliwin
Hanggang ako'y makatulog
Ng pagkahimbing-himbing?