Hindi sa laki ng tama
O sa lakas ng bagsak;
Hindi sa bilis ng dating
O sa bigat ng patak.
Ang ulan na mayumi,
Sa kanyang palagiang pagtama,
Ang batong ubod-tigas
Ay kanyang masisira.
Isang hiwaga sa unang tingin --
Isang katotohanan kung susuriun.
(September 1994)