Paano mo malalaman
Itong pag-ibig ko sa 'yo
Paano mo mararamdaman
Kung lagi kang kinakabahan
Na ika'y masasaktan
Pangako ko ang puso mo'y
Hindi pakakawalan.
Paano mo maiintindihan
Na ako'y nananabik
O, kailan ko kaya madarama
Ang tamis ng iyong halik
Kung lagi mong inaatrasan
Ang sugod ng pagmamahal
Sana nama'y pagbigyan mo'ng
Hiling ng puso ko.
Subukan mong magmahal o giliw ko
Kakaibang ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y di ko gagawin
Pagka't ikaw lang tanging sasambahin
Huwag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko'y ikaw
Wala nang iba.
Subukan mong magmahal o giliw ko
Kakaibang ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba'y di ko gagawin
Pagka't ikaw lang tanging sasambahin
Huwag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko'y ikaw
Wala nang iba.