Wala ring mangyayari
Kung pag-isipan pa
Maghihintay na lang
Kung sino man iyon
Dapuan ng puso ko
Tuloy pa rin ako
Galing lang ako sa inyo
At ako'y niloko mo
Pinag-usapan alas otso
Nagkandarapa pa naman
Okay lang sa akin yon
Dapat di na lang yata nagtago
Isang libo na yata ang nasigarilyo
Inaabangan ang Pasko
Wala ring mangyayari
Kung pag-isipan pa
Maghihintay na lang
Kung sino man iyon
Dapuan ng puso ko
Tuloy pa rin ako
Ang langit ay bumubughaw
Sabi "Sumilong ka na riyan"
Pasasama ako sa mga puno
Habang ang ulap ay nakangiti
Huwag ka sanang magsawa
Wala ka nang magagawa
Mabango pa naman
Ang simoy ng hangin
Maglalalakas.
Wala ring mangyayari
Kung pag-isipan pa
Maghihintay na lang
Kung sino man iyon
Dapuan ng puso ko
Tuloy pa rin ako
Dapuan ng puso ko
Tuloy pa rin ako.